Umano’y pusher napatay ng Marilao police matapos umanong manlaban

 

File photo

Nauwi sa kamatayan ang isang hinihinalang drug pusher matapos na manlaban sa isinagawang drug buy bust operation ng Marilao Municipal Police Station sa Marilao, bulacan.

Ang target ng operasyon ang suspek na si Mike Bonifacio Tan nasa 40 hanggang 45 taong gulang.

Sinabi ni PSupt. Amado Mendoza Jr., hepe ng Marilao Municipal Police station sa bahay ng suspek sa Northville 4-A nangyari ang engkwentro dakong alas-12:15 ng madaling araw.

Plano sanang bumili ng 800 pisong halaga ng shabu ang isang police Marilao nang makatunog ang suspek na pulis pala ang bumibili sa kanya ng shabu.

Dito na pinaputok ng suspek ag kanyang baril laban sa mga pulis na ginantihan naman ng mga otoridad.

Nakuha sa pangangalaga ng napatay na suspek ang isang paltik at ilang plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu.

Ayon kay PSsupt. Mendoza, ang napatay na drug pusher ay nagbabagsak ng shabu sa malaking bahagi ng Barangay Lambakin.

Nasa drugs watchlist ng Marilao police umano ang napatay na suspek.

Read more...