Rollback sa presyo ng langis, epektibo na ngayong araw

 

Matapos bumaba ng hanggang P9.00 ang kada tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) kahapon, magpapatupad naman ngayong araw ang mga kumpanya ng langis ng rollback sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene ngayong araw, August 2.

Sa kanilang anunsyo, nagpatupad ng kaltas na 75 centavos sa kada litro ng kanilang gasolina at 90 centavos naman sa kada litro ng kanilang diesel ang Petron, Caltex, Flying V, at Eastern Petroleum simula kaninang 12:01 ng hatinggabi.

Gayundin ang halagang ikakaltas ng PTT, Phoenix Petroleum, at Unioil na ipapatupad mula alas-6:00 ng umaga ngayong araw din.

Mayroon rin bawas na 90 centavos sa kada litro ng kerosene ang Petron, Caltex, Flying V at Shell.

Read more...