Sa inihain niyang Senate Bill no. 2, nais ni Sotto na ang dagdag na yearly bonus ay maibibigay bago ang Disyembre 24 kada taon at ang 13th month naman ay matatanggap ng mga kawani bago sumapit ang kalahati ng buwan ng Hunyo.
Sinabi ni Sotto na ito’y pagkilala sa kontribusyon ng mga manggagawa sa pribado o pampublikong sektor man.
Dagdag pa nito lubhang napakaliit ng P10 umento sa arawang sahod ng minimum wage earners.
Giit ni Sotto, dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay lumiliit ang halaga ng suweldo ng mga ordinaryong manggagawa.
Sabi pa nito nilalamon ng mga gastusin tuwing kapaskuhan ang 13th month pay at malaking tulong sa gastusin ang kalusugan at edukasyon ang inihihirit niyang bonus.