72-anyos na Pinay sa US, patay makaraang masagasaan sa loob ng bahay

 

Inquirer.net/Contributed photo

Nasawi ang isang 72-anyos na lola makaraang sumalpok ang isang rumaragasang kotse sa isang bahay kung saan sila nagsasagawa ng prayer meeting sa Gardena, California, USA.

Nasawi ang biktimang si Elsa De Belen makaraang maipit sa ilalim ng sasakyan.

Labing-isa pang katao na pawang nagdarasal ang nasaktan din sa naturang insidente.

Inaresto naman ng mga otoridad ang driver ng sasakyan na si Rashanda Monique Norman, 34, na nahaharap sa kasong manslaughter o murder at hit-and-run matapos nitong tumakas at kalauna’y sumuko sa mga otoridad.

Napag-alaman na makailang ulit nang naaresto ang suspek sa mga kasong drug possession at prostitusyon sa California.

Nawalan umano ng kontrol ang driver ng sasakyan kaya’t tinalon nito ang bangketa hanggang sumalpok sa bahay kung saan naroroon ang mga biktima na nagdarasal nang maganap ang trahedya.

Read more...