Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magiging madali ang paghahanap ng kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at komunistang grupo. Gayunman, umaasa ito na na magpapatuloy ang paghahanap ng paraan ang mga rebelde upang matigil ang karahasan sa pagitan ng gobyerno at naturang grupo.
Umaasa rin ang pangulo na muling magkakaroon ng pag-uusap sa mga negosyador ng kabilang panig dahil ito ang tamang paraan upang muling magkaintindihan.
Kanya rin aniyang pangarap na makita na may katahimikan sa lahat ng panig ng bansa.
Gayunman, sa kasalukuyan aniya, hinihintay niya lamang ang payo ng kanyang mga advisers kung muling ibabalik ang ceasefire
Matatandaang muntikan nang tuluyang gumuho ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga komunista makaraang bawiin ni Pangulong Duterte ang idineklara nitong unilateral ceasefire sa CPP-NPA-NDF nang hindi agad magdeklara ng kanilang tigil-putukan ang rebeldeng grupo.