Makakatulong kung pagdedebatehan sa Kongreso, sa mataas at mababang kapulungan, ang mabuting paraan para sa pag-amyenda ng Saligang Batas.
Ayon kay Sen. Franklin Drilon, kailangan timbangin ang mga opinyon at pananaw hindi lang ng pangulo ng bansa, kundi maging ng mga constitutional at law experts, maging ng lahat ng stakeholders.
Giit pa ni Drilon, tanging ang Kongreso lang ang makakapagdesisyon sa paraan ng pag-amyenda ng Konstitusyon.
Paliwanag niya pa, ang resolusyon para sa pagbabago sa Saligang Batas ay hindi na kailangan ng pag apruba ng pangulo ng bansa at hindi rin niya ito maaring i-veto.
Dagdag niya pa, ang sambayanan din lang ang magde-desisyon kung ibabasura o papayagan nila ang charter change.
Si Drilon ang naghain ng Senate Bill no. 1 para sa pagdaraos ng constitutional convention para suriin ang 1987 constitution.
Siya ang namumuno sa Committee on Constitutional amendments and aevision of codes and laws at aniya ito ang kanyang prayoridad.