Ito’y dahil sa itinuturing na security threat ang naturang laro dahil gumagamit ito ng location services at cellphone camera na maaring mag-leak ng impormasyon sa mga restricted areas sa mga base militar.
Bukod dito, may posibilidad din na pekeng application ang ma-download ng mga sundalo at magamit ito upang makapag-leak ng sensitibong impormasyon.
Nagbabala rin ang mga health officials sa Israel sa kanilang mga mamamayan na maging responsible sa paglalaro ng Pokemon Go upang makaiwas sa disgrasya.
Kamakailan, isang 15-anyos na babae ang naaksidente sa kanyang bisikleta makaraang sumemplang habang hinahabol ang isang Pokemon gamit ang kanyang cellphone.
Isa namang 35-anyos na lalake ang malubhang nasaktan makaraang bumangga sa isang pintuang salamin habang naglalaro ng ng Pokemon Go.