Kaso ng Zika sa Florida, nadagdagan ng 10

 

Umakyat na sa 14 ang kabuuang bilang ng mga nadapuan ng Zika virus sa Florida, matapos madagdagan ng 10 ang nauna nang bilang na naitala sa US state.

Ayon kay Florida Gov. Rick Scott, ang mga impeksyon na ito ay nailipat sa pamamagitan ng mga kagat ng lamok.

Naiulat rin ang mga bagong kaso sa iisang square-mile na magkakalapit na lugar sa Miami-Dade County noong nakaraang linggo.

Dahil dito, naniniwala ang mga U.S. health officials na ang mga active transmissions ay nagaganap doon lamang sa nasabing lugar.

Hindi rin inaasahan ng mga health officials na magkakaroon ng outbreak ng sakit na ito tulad ng nangyari sa Brazil at Latin America.

Mahigit 1,650 katao na ang naapektuhan ng Zika virus sa mainland U.S. sa mga nagdaang buwan, at karamihan sa kanila ay nakuha ang sakit matapos maglakbay sa ibang bansa.

Noong nakaraang buwan naman ay naitala ang kauna-unahang woman-to-man sexual transmission ng Zika sa New York City.

Read more...