Pinuno ng ilan pang House committees, inanunsyo

 

Inanunsyo na ng Liderato ng Kamara ang iba pang Kongresista na nakakuha ng chairmanship sa mga komite ngayong 17th Congress.

Inanunsyo ni House Majority Floor Leader Rodolfo Farinas na ang mga Kongresistang itinalaga na mamuno sa ilang mga lupon ay sina:

San Juan Rep. Ronaldo Zamora – chairman ng House Contingent ng Commission on Appointments;

Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles – chairman ng House Appropriations Committee;

Marinduque Rep. Lord Allan Velasco – chairman ng House Committee on Energy;

Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez – chairman ng House Committee on Tourism;

Palawan Rep. Franz Alvarez – chairman ng House Committee on Legislative Franchise.

Tiniyak ni Fariñas na matatapos na nila ngayong linggo ang pagbuo ng mga komite sa Mababang Kapulungan.

Ito’y para masimulan na sa lalong madaling panahon ang pagdinig sa maraming panukalang batas at resolusyon na naihain ng mga Kongesista.

Sa kasalukuyan ay nasa 58 ang standing o regular committee sa Kamara, habang 14 naman ang special committees.

Sinabi pa ni Fariñas na posibleng madagdagan pa ang Deputy Speakers.

Read more...