Ilang oil companies may bawas presyo sa gasolina at diesel

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO
Inquirer file photo

Matapos ang Shell Philippines ay nag-anunsyo na rin ang Flying V, Eastern Petroleum at Phoenix Philippines ng oil price rollback.

Umpisa 12:01 ng madaling araw bukas, araw ng Martes tatapyasan ng Flying V at Eastern Petroleum ng 75 sentimo kada litro ang kanilang gasolina at 90 sentimo kada litro ang diesel.

Aabot naman sa 90 sentimo ang tapyas ng Flyng V sa kanilang kerosene.

Pareho ring pagtapyas ang ipapatupad ng Phoenix Petroleum umpisa alas sais ng umaga bukas.

Sinabi naman ng Department of Energy na posible pang madagdagan ang kaltas sa presyo ng produktong petrolyo sa mga susunod na araw.

Read more...