17th Congress iniwan na ni Villar para maging DPWH Secretary

mark-Villar-770x380
Inquirer file photo

Nagbitiw na bilang miyembro ng 17th Congress si Las Piñas Rep. Mark Villar.

Ayon kay DIWA Partylist Rep. Emeline Aglipay-Villar, naghain ng resignation ang kanyang mister noon pang nakalipas na linggo.

Kinailangan lamang na makapanumpa ni Cong. Villar bilang House Member na nangyari noong nakalipas na Lunes o pagbubukas ng 17th Congress.

Ang pagbibitiw ni Villar sa Kamara ay para masimulan na niya ang trabaho bilang Kalihim ng Department of Public Works and Highways o DPWH.

Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Villar ang napisil niyang DPWH Secretary matapos manalo sa 2016 Presidential elections.

Pangatlong termino na sana ni Villar bilang Kongresista ngayong 17th Congress.

Read more...