Shoot-on-sight sa Leyte Mayor na sangkot sa droga iniutos ni Duterte

Mayor-Rolando-Espinosa-300x300Tinaningan lamang ng 24-oras ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. at ang kanyang anak na si Kerwin para sumuko kaugnay sa kanilang pagkakasangkot sa illegal na droga.

Sanabi ni Presidential Spokesman Ernie Abella na malinaw ang utos ni Duterte na “shoot-on-sight” sakaling lumabas sa mga otoridad ang mag-ama.

Kahapon ay hinuli ng mga tauhan ng Albuera Police Station ang ilan sa mga tauhan ni Espinosa dahil sa pagtitinda ng shabu.

Kabilang sa mga inaresto ay ang dalawang bodyguards ng alkalde na sina Jessie Ocares, 34-anyos at Marcelo Adorco kasama ang mga empleyado ng mga Espinosa na sina Jose Antipuesto, Jeffrey Pesquera at Ernesto Dumalat.

Nakuha mula sa kanila ang P1.9 Million na halaga ng shabu samantalang ilan pa sa kanilang mga kasamahan ay nakatakas makaraang pumasok sa compound ng mga Espinosa.

Sinabi ng Hepe ng Albuera Police Station na si C/Insp. Jove Espinido, nagtago ang ilan pang mag suspek sa mismong bahay ng kanilang alkalde kaya hindi nila naaresto ang mga ito.

Simula kahapon ay hindi na nagpakita sa munisipyo ang mag-amang Espinosa.

Read more...