Duterte ipasasara ang mga kumpanya na magpapatuloy sa contractualization

Duterte MalacanangIpasasara ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kumpanya na nagpapatupad ng kontraktuwalisasyon.

Sa pahayag ng pangulo sa Malacanang, hinihimok nito ang publiko na tumawag sa hotline number na 911 at 8888 kapag may mga kumpanya na hindi maayos ang pagtrato sa mga mangagagawa.

Ayon sa pangulo, dapat sundin ang walong oras na trabaho at dapat bayaran ang Social Security System (SSS) at iba pang benepisyo ng mga manggagawa.

Binanggit din ni Duterte na sa matagal na panahon ay nakinabang sa lumang sistema ang ilang kumpanya kaya panahon na para baguhin ito at itaguyod ang karapatan ng mga manggagawa.

Pangungunahan ni Labor Sec. Sylvestre Bello ang pagsasa-ayos sa Sistema para tuluyan nang alisin ang “Endo” o end of contract.

Noong panahon ng kampanya ay naging sentro ng programa ni Duterte ang pag-aalis ng contractualization sa labor force ng bansa.

Read more...