‘Supilin ang droga, hindi ang mga biktima nito’

 

Raffy Lerma/Inquirer

Ang droga dapat ang sinusupil, hindi ang mga taong biktima nito.

Ito ang panawagan ni Jennilyn Olayres, ang asawa ng napatay na 29-anyos na pedicab driver sa Pasay-Rotonda kamakailan kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mister ni Jennilyn na si Michael Siaron ang pinatay na driver ng pedicab sa naturang lugar kung saan ang kanilang larawan na nakuhanan ng Inquirer ay nag-viral dahil sa naging matinding ‘impact’ nito sa publiko.

Sa naturang larawan, makikikitang yakap-yakap ni Jennilyn ang bangkay ng kanyang mister habang nakalugmok ito sa semento makaraang pagbabarilin ng mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Sa tabi ng bangkay nito, natagpuan ang karatulang nagsasabing pusher umano ang biktima.

Gayunman, iginiit ni Jennilyn na bagama’t gumagamit ng droga ang kanyang mister, hindi ito tulak ng droga.

Imposible aniyang tulak ng ipinagbabawal na gamot ang kanyang mister dahil sa estero lamang sila nakatira at problema nila aniya ang paghahanap ng makakain sa araw-araw.

Bagama’t hindi na siya aniya umaasa na may mananagot sa pagpatay sa kanyang mister, nananawagan si Jenilyn na dapat aniya ay ang mismong ugat ang pinuputol sa kampanya laban sa droga.

Read more...