Lifestyle check sa mga tauhan ng BIR, simula na

 

Inquirer file photo

Sinimulan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang lifestyle check sa kanilang mga empleyado upang matukoy kung ilan sa mga ito ang umaabuso sa kanilang tungkulin.

Ang pagsasagawa ng lifestyle check sa mga kawani ng BIR ay makaraang magbaba ng babala kamakailan si BIR Commissioner Cesar Dulay na parurusahan ang mga ito kung hindi pa rin magbabago sa kanilang maling gawain.

Ayon kay Dulay, kanya nang hiningi ang tulong ng Land Registration Authority (LRA) Land Transportation Office (LTO) at National Bureau of Investigation (NBI) upang magsagawa ng background check sa mga empleyado ng Kawanihan.

Una rito, isang Revenue District Officer ang inalis sa puwesto ni Dulay makaraang magpadala ng ‘fruit basket’ sa Office of the Commissioner.

Bukod dito, isinasalang na rin sa lifestyle check ang naturang RDO.

Iginiit din ni Dulay na mariing ipapatupad ang ‘no gift policy’ sa lahat ng mga kawani ng buong ahensya.

Read more...