5 patay sa pagsalakay ng ISIS sa dalawang power plant sa Iraq

 

Sinalakay ng Islamic State ang dalawang planta ng enerhiya sa northern Iraq na nagresulta sa pagkamatay ng lima katao kabilang na ang apat na  manggagawa.

Unang pinasok ng Islamic State ang isang AB2 gas compressor station na nasa 15 kilometro hilagang-kanluran ng bayan ng Kirkuk.

Apat na armadong kalalakihan ang pumasok sa naturang pasilidad at agad na namaril.

Apat sa mga manggagawa ang agad nasawi samantalang dalawa pa sa mga ito ang ang malubhang nasugatan sa insidente.

Sunod namang pinasok ng mga armadong ISIS ang Bai Hassan oil station na nasa 25 kilometro ang layo mula sa Kirkuk at muling namaril at nagpasabog ng mga explosive vest.

Sa opensiba ng mga otoridad, napatay ang isa sa mga rebelde samantalang anim namang pulis ang nasugatan.

Read more...