Sam Milby, may girlfriend na!

sam‘In a relationship’ na ang Kapamilya hunk-actor na si Sam Milby.

Inamin nito na ang kanyang bagong girlfriend ay ang Filipina-British model na si Mari Jasmine.

Sa kabila ng pag-amin, ayaw namang idetalye ni Sam ang iba pang impormasyon sa kanyang lovelife.

Bukod dito, sinabi ni Sam na non-showbiz ang kanyang girlfriend, kaya nagpasya sila na umiwas sa spotlight.

Pero ayon sa kanya, sobra raw siyang ‘happy’.

Umaasa naman si Sam na si Mari na ang kanyang magiging forever.

Matatandaang ang pinakahuling girlfriend ni Sam ay ang kapwa Kapamilya nito na si Anne Curtis, na karelasyon pa rin ang long-time boyfriend na si Erwan Heusaff.

Read more...