Bersiyon ng unilateral ceasefire ng CPP/NPA/NDF, ilalabas kahit binawi na ni Duterte ang utos ng tigil-putukan

NPA2Kahit huli na ay maglalabas pa rin ng kanilang bersiyon ng unilateral ceasefire ang CPP-NPA-NDF.

Iyan ay kahit binawi na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang idineklara nitong tigil-putukan sa mga naturang rebeldeng grupo.

Ayon kay Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, isa itong welcome development na tumatalima ang mga komunista sa kagustuhan ng Pangulo sa pagkakaroon ng kapayapaan.

Ipinaliwanag naman ni Dureza sa kalatas na ipinalabas ng Makanyang kung bakit binawi ng Pangulo ang deklarasyon nito nang tigil-putukan dahil sa hindi agarang pagtalima o pagpaparamdam man lamang ng kabilang panig hinggil sa anunsiyo ng Presidente.

Sa halip ay nagkaroon pa ng insidente ng pananambang ng NPA sa civilian auxiliary force ng AFP sa Davao del Norte na ikinamatay ng isa nitong miyembro at ikinasugat ng tatlong iba pa noong July 27.

Samantala, namonitor naman daw ng mga otoridad ang mga disturbing messages mula sa mga opisyal ng NPA sa kanilang Southern Mindanao Regional Command na nagsasabing “non-existent” ang unilateral ceasefire ng gobyerno.

Sinisi rin ng mga ito ang AFP ng umano’y pananabotahe sa tigil-putukan.

 

Read more...