Babala ng landslide nanatili sa Zambales, Bataan at Northern Luzon

july 19 satellite imagePatuloy ang mga pag-ulan sa ilang lalawigan sa Northern Luzon gayundin sa Zambales at Bataan ayon sa PAGASA.

Dahil dito, nanatili ang babala ng pag-guho ng lupa sa mga bulubunduking lugar sa mga naturang lalawigan.

Ang babala ay ibinaba sa mga local government units na nakakasakop sa naturang mga lugar.

Ang Metro Manila naman ay makakaranas ng manakanakang pagkulog at pagkidlat batay sa pinakahuling forecast ng weather bureau. / Gina Salcedo

Read more...