Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang tropical depression Carina sa 195 kilometers East ng Borongan City, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers kada oras at kumikilos sa bilis na 11 kilometers kada oras sa direksyong Northwest.
Ayon sa PAGASA, ang bagyong Carina ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas nap ag-ulan sa Bicol region, Eastern Visayas at CARAGA region na maaring magdulot ng flashfloods at landslides.
Wala naman pang itinaas na tropical cyclone warning ang PAGASA dahil sa nasabing bagyo.
Gayunman, pinapayuhan pa rin ang mga mangingisda na iwasan muna ang maglayag sa eatern seaboards ng Luzon at Visayas dahil sa malakas na hangin na magdudulot ng malalaking alon.
Bukas ng umaga, inaasahang nasa 280 kilometers East ng Virac, Catanduanes ang bagyong Carina, at sa Linggo ng umaga ay nasa 255 kilometers East ng Casiguran, Aurora.