Sa updated na advisory ng NGCP, ang red alert ay tatagal mula alas 2:00 hanggang alas 4:00 ng hapon.
Kaninang alas 10:00 ng umaga nagsimula na ang pag-iral ng yellow alert sa Luzon grid na tatagal hanggang ala 1:00 ng hapon.
Muling itataas ang yellow alert mamayang alas 5:00 ng hapon hanggang alas 6:00 ng gabi at alas 7:00 ng gabi hanggang alas 9:00 ng gabi.
Ayon sa power outlook ng NGCP kaninang alas 10:30 ng umaga, nasa 9,478 megawatts ang available capacity sa Luzon habang ang peak demand ay nasa 8,920 megawatts.
Maraming planta ang naka-shutdown sa ngayon dahil sumasailalim sa maintenance.
Para maiwasan ang pagpapatupad ng rotational brownout sa oras na naka-red alert ang Luzon, inabisuhan na ng Meralco ang mga commercial at industrial customers na kasali sa Interruptible Load Program na maging handa sa posibilidad na paggamit ng kanilang generator sets sakaling kailanganin.