Fidel Agcaoili ng NDF, kinompronta ni Bello matapos ang ambush sa Davao

NDFP-spokesman-Fidel-Agcaoili-and-Fr.-Joel-Tabora--620x465Dismayado si GPH Panel Chairman Secretary Silvestre Bello III sa pananambang ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa tropa ng pamahalaan sa Sitio Patil, Barangay Gupitan, Davao Del Norte.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Bello na nakalulungkot dahil nabigo ang NPA na irespeto ang unilateral ceasefire na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.

Dalawang araw aniya matapos ang deklarasyon, agad naganap ang pananambang na ikinasawi ng isang CAFGU member at ikinasugat ng apat na iba pa.

“It is disheartening that the NPA failed to respect the unilateral ceasefire declared by President Duterte last Monday during the SONA. Barely two days after this ceasefire declaration, the NPA ambushed yesterday government forces killing one CAFGU member and wounding four others in Davao del Norte,” ayon kay Bello.

Kinumpirma ni Bello na matapos ang insidente, agad niyang kinompronta si NDF Panel member Fidel Agcaoili.

Nagpaliwanag naman umano si Agcaoili na ang NPA ay nasa “active defense mode” mula pa noong July 26 kaya sisiyasatin nilang mabuti ang insidente.

Sinabi ni Bello na hihintayin ng pamahlaaan ang resulta ngginagawang imbestigasyon ng NDF.

Tiniyak din umano ni Agcaoili na “committed” ang NDFP sa muling pagsisimula ng peace negotiations para matapos na ang kaguluhan at makamit na ang inaasam na kapayapaan.

 

 

Read more...