Batay sa 4:00AM update ng PAGASA, huling namataan sa 370 kilometers East ng Borongan, Eastern Samar ang nasabing LPA.
Ayon sa PAGASA, nakapaloob ang nasabing LPA sa Intertropical Convergence Zone na naka-aapekto sa Visayas at Mindanao.
Ngayong araw, makararanas ng maulap na papawirin na may kasamang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Visayas Mindanao at sa MIMAROPA at Bicol Region.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabing bahagi ng Luzon, makararanas ng maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan ang mararanasan ngayon araw.
MOST READ
LATEST STORIES