2 patay sa kamay ng mga ‘vigilante’ sa Maynila

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Umatake na naman ang mga umano’y ‘vigilante’ sa Maynila.

Sa pagkakataong ito, dalawa kaagad ang patay na iniwanan pa ng karatula na may nakasulat na babala kagabi.

Kinilala ng Manila Police District ang mga nasawi na sina  Oscar Abella 55- anyos at isang alyas ‘Aji’, na pawang mga hinihinalang sangkot sa iligal na droga sa may bahagi ng Ilustre cor. Yuseco Street, Brgy. 362, Sta. Cruz, Manila.

Ayon kay SPO4 Glenzor Vallejo ng MPD Homicide section, sa mismong tapat ng bahay ni Abella siya pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek.

Nag-iwan pa ang mga armadong kalalakihan ng karatulang may nakasulat na “Wag ako tularan pusher adik at drug den bahay ko.”

Nagkalat naman sa lugar ang mga basyo ng bala lugar ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Read more...