Salvage victim, itinapon sa Makati

 

Isa na namang biktima ng summary execution ang itinapon sa C5 Kalayaan East Rembo, Makati.

Ayon kay SPO2 Hector Dacoco, ng Makati City Police, PCP 8, mag-aala una ng madaling araw nang mapansin ng isang rider na iihi sana sa lugar na may taong nakabalot sa garbage bag at packaging tape.

Nalaman lamang nila na tao ang nakabalot dahil nakalabas ang mga daliri nito.

Sa ulunan ng biktima ay nakita ang isang karatula na “Tulak ako wag pamarisan.”

Nalaman lamang na lalaki ang biktima matapos na buksan ng SOCO ang mga nakabalot na garbage bag.

Wala naman nakuhang pagkakilanlan sa biktima,pero  ito ay nasa 5’3 to 5’4 ang taas at nasa 27 hanggang 30 ang edad.

Read more...