Nag-isyu na ang Civil Aviation Authority of the Philippines ng memorandum order na nagsusupinde sa pagpapahinto ng mga flights na kasabay ng flight ng Presidente ng Pilipinas.
Ang mga flight ng presidente ay tinatawag na ‘Kalayaan flights’.
Ang kautusan na pinirmahan ni CAAP Director General Captain Antonio Buendia Jr., ay ipina-alam sa mga manager, at iba pang opisyal ng mga airport.
Ito ay alinsunod naman sa kautusan ni Pangulong Duterte sa Department of Transportation at CAAP na dapat pumila rin ang alinmang ‘Kalayaan flights tulad ng ibang regular flights.
MOST READ
LATEST STORIES