Pabayang opisyal ng CHED, sinuspinde ng Ombudsman

 

Inquirer file photo

Sinuspinde ng Ombudsman ang Director ng Commission on Higher Education o CHED Region 11 na si Maximo Aljibe.

Kaugnay ito ng pagpapabaya umano ni Aljibe sa kanyang trabaho noong 2014 nang magpalabas ito ng special order pabor sa isang Pakistani National na sinasabing nakatapos ng business administration degree sa kabila ng mga kahina-hinala nitong record sa eskwelahan.

Nabatid na nilabag ni Aljibe ang CHED Regional Office Citizen’s Charter na humihingi ng dagdag na dokumento sa mga nag-aaplay na foreign student.

Kaugnay nito, inutusan ng Ombudsman ang CHED na ipatupad ang suspensyon na final, executory at hindi na maaaring i-apela.

Read more...