Matapos ang paglalabas ng desisyon ng international tribunal sa isyu ng teritoryo sa South China Sea, inanunsyo ng militar ng China na magsasagawa sila ng joint military drills kasama ang Russian forces sa kontrobersyal na rehiyon.
Ayon kay ministry spokesman Col. Yang Yujun, nakatakdang isagawa ang nasabing joint military exercises sa buwan ng Setyembre.
Nakatuon aniya ito sa pagpapaganda ng relasyon sa pagitan ng military forces ng dalawang bansa at sa pagpapaigting rin ng kanilang kakayanan na respondehan ang mga maritime threats.
Itinanggi naman ni Yang na mayroon silang nais patamaan sa drills na ito, at hindi pa rin niya nabanggit ang eksaktong lokasyon ng gaganapan nito.
Ilang beses na ring nagsagawa ng joint drills ang China at ang Russia sa mga nagdaang taon, at kadalasan nila itong ginagawa upang sindakin at pigilan ang Estados Unidos sa pangingialam sa Asia-Pacific.
Una na ring ipinahayag ng Russia ang pag-suporta nila sa China sa pagtanggi nitong harapin ang kasong isinampa ng Pilipinas sa international arbitration kaugnay sa isyu ng teritoryo sa South China Sea.