Pope Francis, ‘OK’ lang matapos matumba sa misa sa Poland

 

Maayos ang kalagayan ni Pope Francis matapos itong matumba sa kalagitnaan ng kanyang misa sa Poland nitong nakaraang araw.

Ayon kay Vatican spokesman Greg Burke, na wala namang inindang pananakit ng katawan ang Santo Papa matapos ang aksidente.

Si Pope Francis ang nanguna sa misa at pagbibigay ng Homily sa Reverend Jasna Gora monastery sa Czestochowa, southern Poland kahapon.

Gayunman, sa kasagsagan ng misa at habang hawak ang isang incense holder, hindi nito napansin ang isang ‘step’ sa altar kaya’t nawalan ito ng balanse at natumba.

Agad naman itong tinulungang makatayo ng mga Monsignor at iba pang pari na na nasa misa rin.

Ang monasteryo ang tahanan ng milagrosong ‘Black Madonna’.

 

 

 

 

 

 

Read more...