Dalawang sundalo, positibo sa drugs sa Zamboanga City

 

Dalawang sundalo at isang civilian employee ang nagpositibo sa isinagawang mandatory drug test sa hanay ng Western Mindanao Command sa Camp Navarro Calarian Zamboanga City.

Ayon kay AFP Wesmincom Spokesperson Major Filemon Tan, 373 military officers at iba pang enlisted personnel kasama ang mga civilian employees ang dumaan sa sorpresang drug test kahapon.

Nilinaw naman ni Tan na isasailalim pa sa confirmatory test ang tatlong nagpositibo sa initial drug test na gagawin sa isang testing center na accredited ng DOH.

Binigyang diin naman ni Wesmincom Commander Lt Gen Mayoralgo dela Cruz na walang puwang sa kanilang hanay ang mga adik .

Kung may mapapatunayan aniyang may gumagamit ng iligal na droga sa kanilang hanay ay tiyak na matatangal ito sa serbisyo.

Read more...