Hillary Clinton opisyal nang nominado ng Democratic Party sa presidential election

President Barack Obama and Democratic presidential candidate Hillary Clinton wave to the crowd during a campaign rally for Clinton in Charlotte, N.C., Tuesday, July 5, 2016. (AP Photo/Chuck Burton)
AP

Pormal nang inanunsyo ng Democratic Party ang tambalang Hillary Cllinton at Tim Kaine na kanilang pambato sa U.S election sa buwan ng Nobyembre.

Pinangunahan ni U.S President Barrack Obama ang ginanap na Democratic National Convention sa Philadelphia.

Tulad ng inaasahan ay inulan ng batikos mula sa grupo ang makakaharap sa halalan ni Clinton na si Donald Trump ng Republican Party.

Muling inulit ni Obama na kahit kailan ay hindi magiging pangulo ng U.S si Trump.

Sinabi naman ni Kaine na mas dapat ipaliwanag ng bilyonaryong negosyante ang kanyang hindi pagbabayad ng tamang buwis bago niya ambisyunin ang posisyon sa oval office.

Sa kanyang panig ay sinabi ni Clinton na itataguyod niya ang pananatili ng U.S bilang nangungunang bansa sa daigdig.

Read more...