Duterte mas gustong tawaging “Mayor” kesa “Pangulo”

duterte
Inquirer file photo

Aminado ang Pangulong Rodrigo Duterte na hanggang ngayon ay naiilang pa rin siya sa tawag na “Pangulo”.

Sa oath taking kagabi ng League of Cities and Provinces sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ng pangulo na naiilang siya kapag tumitindig ang mga dumadalo sa pagtitipon para bigyan siya ng pugay bago ang pagsasalita.

Inamin din ng pangulo na naasiwa siya kahapon sa pagpupulong ng National Security Council na dinaluhan nina dating Pangulong Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal Arroyo at Benigno Aquino III.

Sa halip na Mr. President, nakiusap si Duterte sa mga local na opisyal na tawagin pa rin siyang “Mayor”.

Mas maganda aniyang pakinggan ang mayor lalo’t dalawampu’t tatlong taon siyang nanilbihan sa Davao City.

Idinagdag pa ng pangulo na hindi siya sanay sa uri ng kanyang pamumuhay na nararanasan ngayon.

Una rito, nagpalabas ng memorandum ang Malakanyang na nag-aatas sa lahat ng tanggapan ng gobyerno na nasa ilalim ng office of the president na huwag nang i-address si Duterte bilang “His Excellency” habang ang mga cabinet members ay hindi na pinatatawag na mga “Honorable”.

Read more...