Marikina-made shoes inirampa ni Duterte sa pulong nila ni Kerry

Duterte shoes1
RTVM

Ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang “fashion statement” sa mga miyembro ng gabinete makaraan ang kanilang working lunch ni U.S Secretary of State John Kerry.

Si Duterte ay nakasuot ng putting Office Barong, Maong pants at kulay brown na leather boots na ipinag-malaki niyang gawa sa Marikina City.

Sinabi ng pangulo na isang babae na anak ng isang sapatero mula sa Marikina ang nagbigay ng nasabing sapatos na kanya ring suot habang dumadalo sa National Security Council meeting.

Nauna nang hinikayat ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro ang kanyang mga dating kasamahang Congressmen na imbes na imported na sapatos ay mga gawang Marikina ang kanilang gamitin.

Read more...