Laguna lake gagawing eco-tourisim zone

laguna-lake3
LLDA

Pinag-aaralan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na gawing isang malaking eco-tourism zone ang kabuuan ng Laguna lake.

Inamin ni DENR Sec. Gina Lopez na malaking problema ang ginagawang pagtatapon ng dumi ng halos ay 400,000 kabahayan sa lawa.

Sa pag-aaral ng DENR, direktang itinatapon ng nasabing mga bahay ang kanilang sewage sa Laguna lake na siyang isa sa pinaka-malaking source ng isda na isinu-supply sa Metro Manila at ilang mga kalapit na lugar.

Sinabi ni Lopez na bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay lilimitahan na rin nila ang mga fish pen sa lawa.

Kakausapin ng kalihim ang mga local officials sa mga lugar na nakapaligid sa Laguna lake para hanapan ng solusyon kung paano ito lilinisin.

Nauna nang sinabi ni Duterte na ilang mga opisyal ng gobyerno ang nasa likod ng operasyon ng mga iligal na fish pen sa lawa na siyang dahilan kung bakit kakaunti na lamang ang huli ng mga ordinaryong mangingisda sa lugar.

Read more...