Rep. Danilo Suarez, pormal nang napili bilang house minority leader

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

Saglit lamang tumagal ang pulong mga kongresista para sa pagpili ng bagong minority leader ng House of Representatives.

Dumalo sa nasabing pulong ang dalawampu’t limang kongresista na bahagi ng minority bloc ng kamara habang no-show ang mga kongresista na bumoto noon kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat..

Sa naturang pulong, nilinaw ni Suarez na binoto niya si Rep. Pantaleon Alvarez bilang House Speaker dahil sa tradisyon, hindi binoboto ng nominado ang sarili.

Hanggang sa nagmosyon si Ako Bicol PL Rep. Rodel Batocabe na simulan na ang nominasyon para sa House Minority.

Agad namang isinara ang nominasyon para sa House Minoriy leader, at tanging si Suarez lamang ang nominado. Dahil dito, idineklara siyang lider ng minorty, pero humirit si Batocabe na magkaroon ng nominal voting.

At sa botong 22 pabor, habang 3 ang abstain, pormal nang idineklara si Suarez bilang Minority leader ng 17th Congress.

Kabilang sa mga nag-abstain ay sina Reps. Batocabe, Sharon Garin, at Mari Lourdes Aggabao, pero mananatili raw sila sa grupo ni Suarez.

Tiniyak naman ni Suarez na magiging constructive opposition sila sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Nakatakda rin nilang gawin ang “Kontra SONA” sa darating na Lunes, habang ang mga tungkulin ng mga miyembro ng minorya ay itatakda sa susunod na linggo.

Nang matanong naman si Suarez kung may balak ba siyang mag-reachout kina Baguilat at Albay Rep. Edcel Lagman, tiniyak nito na kakausapin niya ang dalawang Mambabatas.

 


 

 

Read more...