Imbestigasyon ng Pilipinas sa $81-M cyber theft, malapit ng matapos

 

Buong kumpyansang sinabi ng Bangladesh central bank na malapit nang matapos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang imbestigasyon sa kung paano naipasok ang kanilang $81 million na pondo sa Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC).

Ayon kay Governor Fazle Kabir, umaasa sila na mapanagot ng BSP ang RCBC sa pag-disburse ng mga nakaw na pondo sa kanilang bangko.

Matatandaang na-hack ang computer systems ng Bangladesh Bank noong Pebrero, kaya nailipat ang nasabing halaga ng pondo mula sa Federal Reserve Bank of New Yorl sa apat na bank accounts sa RCBC.

Bukod dito umaasa rin ang Bangladesh na ang maging pabor sa kanila ang mga resulta ng imbestigasyon, at na maibalik sa kanila ang kabuuan ng perang nanakaw mula sa kanilang bangko.

Malapit na ring bumisita dito sa Pilipinas ang ilang mga kinatawan ng Bangladesh bank upang mapabilis ang proseso ng pagbawi nila sa mga pondong nanakaw mula sa kanila.

Read more...