Dalawa pang nasawi sa Semirara mining landslide, kilala na

semirara islandd1
Inquirer file photo

Ang labi ni Dicon Dayupan ay nakuha ng search and rescue team pasado alas-9:26 Biyernes ng gabi habang alas-3:40 Sabado ng madaling araw nang makuha ang bangkay ni Bernie Manrique.

 Sa siyam na nasawi, lima na ang nakuhanh bangkay habang may apat pa ang nawawala. Kabilang sa mga nawawala sina Danilo Bayhon, Noel Penolla, Diczon Daupan, Aryan Catulay, Generoso Talaro at Bernie Manriquez.

Tatlo naman sa mga biktima na sina Alexander Nudo, Ricardo Panes at Arnold Omac ay sa ospital na binawian ng buhay.

Samantala, bumuo na ng team ang Department of Energy para siyasatin ang pagguho ng open-pit coal mining.

Ayon kay DOE Officer-in-charge Zenaida Monsada personal siyang pupunta sa mining site kasama ang investigating team para alamin ang sanhi ng pag-guho sa ng minahan na pag-aari ng DMCI Holdings.

Sa inisyal na impormasyon, ang pag-guho ay sanhi ng walang tigil na pag-ulan sa nasabing lugar./Jimmy Tamayo, Den Macaranas

Read more...