Solomon Island, niyanig ng 7.5 magnitude

solomon-islands
Inquirer file

Niyanig ng 7.5 magnitude na lindol ang Solomon Islands.

Ayon sa US Geological Survey, mababaw ang pagyanig na nasa 12-Kilometers ang lalim.

Ang epicenter ng lindol ay nasa 75-kilometers kanluran-hilagang, kanluran ng Distrito ng Lata o 58-Kilometers mula sa kapitolyo ng Honiara.

Nagpalabas na rin ang Pacific Tsunami Warning Center ng tsunami warning sa loob ng 300-Kilometer radius na maaaring maka-apekto sa rehiyon na kinabibilangan ng Papua New Guinea, Australia at maging sa New Zealand.

Magugunitang noong isang linggo ay niyanig din ng malakas na lindol ang kabuuan ng Solomon Islands at maraming mga tao doon ang lumikas dahil sa banta ng tsunami na sa kabutihang-palad ay hindi rin naman natuloy./Jimmy Tamayo, Den Macaranas

Read more...