Mga negosyante, masaya sa unang SONA ni Duterte

 

Positibo ang samahan ng mga negosyante sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI President George Barcelon, ang mga binanggit ni Duterte sa kanyang SONA ang talagang hinahanap ng taumbayan.

Para anya sa mga Small and Medium Enterprise importante ang good governance, pagpapadali sa mga procedure sa pagnenegosyo at ang pagpapababa sa burokrasya.

Sinabi nito na ang pahayag ng pangulo kaugnay sa mga imprastraktura ay nasa tamang direksyon lalo na ang pagsasaayos ng mga pantalan at mga paliparan.

Inihalimbawa nito ang naganap na pagsasara ng runway sa NAIA ay malaki ang naging epekto sa negosyo sa bansa.

Ang sinabi anya ni Digong na maging option ang Sangley Point at Clark para maging pangunahing paliparan ay maganda para sa mga negosyo lalo na kung maayos ang mabilis na transportion link.

Gayunman, sinabi nito na sana lamang ay may binanggit na timeline ang pangulo pero kailangan anyang bigyan ng oras ito dahil malaki itong proyekto.

Read more...