Kinilala ni Supt. Carlos Barde, hepe ng Lipa City police ang nasawing biktima na si Leonardo Pureza, Bgy. Captain ng Pag-Olingin West.
Sa imbestigasyon, nakaupo sa loob ng isang nakaparadang jeepney ang biktima sa Bgy. Antipolo del Norte at hinihintay ang kanyang misis nang tambangan ito ng suspek.
Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang mga salarin sakay ng isang motorsiklo tungo sa bayan ng Padre Garcia, Batangas.
MOST READ
LATEST STORIES