Ayon kay Atty. Ferdie Topacio, isa sa abogado ng mga Ampatuan, pumanaw si Andal Sr., sa National Kidney and Transplant Institute sa Lungsod ng Quezon alas diyes dos ng gabi, araw ng Biyernes.
Sinabi ni Topacio na susundin ang paraan sa Islam sa paglilibing kay Andal Sr. pero sa ngayon ay humingi muna ang pamilya Ampatuan ng privacy upang sila ay makapagluksa.
Namatay ang matandang Ampatuan sa edad na 74. Bago pumanaw si Andal Sr. ay na ideklara itong comatose sa NKTI.
Nauna rito, sinabi ng isa pa sa mga abogado ng pamilya Ampatuan na hanggang sa huli ay naninindigan ang Matandang Ampatuan na wala siyang kinalaman sa masaker na kumitil sa buhay ng 58- katao.
Ayon kay Atty. Salvador Panelo, nais ni Andal Sr. na maupo sa witness stand upang sabihin ang kanyang panig sa korte. /Erwin Aguilon, Gina Salcedo