Sumuko na ang apat sa limang pulis na nasasangkot sa umano’y rubout sa Manila Police District (MPD) na ikinamatay ng isang tricycle driver sa Sampaloc Maynila.
Ayon kay MPD Director Rolando nana, kusang sumuko sina Gulod Police Community Precinct (PCP) Commander Sr. Insp. Rommel Salazar, PO3 Ferdinand Valera, PO1 Ronald Valera, PO1 Ronald Dipacina, at PO1 Diomar Landoy.
Hindi pa nagpapakita sa MPD headquarters ang isa pang pulis na si PO1 Rhoel Landrito pero nagpaabot na umano ito ng surrender feelers.
Ang nasabing mga pulis ay ilalagay na muna sa restrictive custody ng MPD.
Ayon kay MPD Station 4 Commander Supt. Mannan Muarip, nakipagkasundo ang apat na makipagkita sa kaniya, kaya siya mismo ang sumundo sa mga ito at naghatid sa headquarters.
Nasa security unit ng MPD headquarters ang apat. Nahaharap sila sa kasong murder dahil sa pagpatay sa isang tricycle driver na si Robin Villarosa.
Ayon kay Nana, mayroong hiwalay na administrative complaint na isasampa laban sa mga pulis./ Erwin Aguilon