Ayon kay Baguilat, ang pangalawang nakakuha ng pinaka-mataas na boto sa pagka House Speaker ang siya dapat na otomatikong tatayo bilang lider ng minority bloc pero sa pagpasok ng 17th Congress ay sapilitan itong binago.
Si Baguilat ay nakakuha ng 8 votes samantalang 7 votes naman ang para kay Suarez at 21 ang nag-abstain.
Sinabi ni Baguilat na sadyang marami ang nag-abstain at palatandaan ito na inirereserba ang kanilang pagpapalit ng boto pabor kay Suarez.
Nauna nang sinabi ni majority leader Rudy Fariñas na opsyon ang minorya na bomoto ng kanilang lider at otomatikong magiging lider nila si Baguilat.
Kanina ay nagbitiw na rin sa UNA si Navotas Rep. Toby Tiangco makaraan siyang mabigo na makuha ang basbas ng kanyang partido para pamunuan ang minority bloc.
Sa halip, pinili ng UNA si Suarez na kanilang pinatakbo bilang House Speaker.