Sa botong 20-3, Pimentel, bagong Senate President; Recto, minority leader

Twitter Photo / Senator Sonny Angara
Twitter Photo / Senator Sonny Angara

Dalawampu’t tatlo mula sa dalawampu’t apat na miyembro ng 17th congress ang present sa pagbubukas ng sesyon ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ngayong araw.

Tanging si Senator Alan Peter Cayetano ang absent at hindi dumalo sa unang sesyon ng Senado.

Sa isinagawang roll call present sina Senators Sonny Angara, Bam Aquino, Nancy Binay, Leila de Lima, Franklin Drilon, JV Ejercito, Francis Escudero, Sherwin Gatchalian, Richard Gordon, Gregorio Honasan, Risa Hontiveros, at Panfilo Lacson.

Present din sina Senators Loren Legarda, Manny Pacquiao, Francis Pangilinan, Grace Poe, Koko Pimentel III, Ralph Recto, Vicente “Tito” Sotto III, Antonio Trillanes IV, Joel Villanueva, Cynthia Villar, at Juan Miguel Zubiri.

Si Senator Sotto ang nag-nominate kay Pimentel na sinigundahan naman ni Zubiri.

Ayon kay Zubiri, makagagawa ng kasaysayan sa senado si Pimentel, dahil uupo ito sa pwesto ginampanan noon ng kaniyang ama na si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.

Nakakuha ng mayorya na dalawampung boto si Pimentel para mahalal ito bilang bagong senate president.

Nanumpa si Pimentel kay Sen. Pacquiao na kapwa niya Mindanaoan at kasapi ng PDP-Laban.

Si Senator Recto naman na nakakuha ng tatlong boto matapos i-nominate ni Escudero, ang magsisilbing minority leader.

Habang ibinoto naman ng lahat ng 23 na present senators si Drilon bilang Senate President pro tempore.

At si Senator Sotto ay ibinoto ng mga kapwa senador bilang majority leader.

 

 

Read more...