Walang tensyon sa SONA rally; NCRPO Chief Albayalde, nakihalubilo sa mga raliyista

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Maliban sa hindi pagsasara sa Commonwealth Avenue, marami pang mga hindi pangkaraniwang kaganapan sa kauna-unahang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga pulis, walang bitbit na truncheons at shields, walang tulakan, tensyon at girian.

Kuha ni Ricky Brozas

Kakaibang eksena ang nasaksihan sa pagitan ng mga raliyista at mga pulis ngayong araw.

Maliban kasi sa pinayagan ang mga raliyista na makarating sa IBP road at doon magsagawa ng programa, nakihalubilo pa sa kanila si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Oscar Albayalde.

Kuha ni Ricky Brozas

Nakiupo pa si Albayalde kasama ang mga raliyista at nakipagkwentuhan sa kanila.

Si Renato Reyes ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), binigyan pa ng taho si Quezon City Police District Dir. Guillermo Eleazar.

Relax at masaya din habang nagpoprograma ang mga raliyista sa bahagi ng IBP road.

Kuha ni Ricky Brozas

Kahit nag-iingay at isinisigaw ang mga isyung kanilang isinusulong sa Duterte administration, hindi naman sila sinasaway ng mga pulis.

 

Read more...