Balik-Kamara si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Dumating si Arroyo sa kamara, pasado alas 8:30 ng umaga para dumalo sa breakfast ng mga kongresista ng 17th Congress.
Nakasuot pa din ng neck brace ang dating presidente, ngunit kapansin-pansin na maaliwalas ang aura nito at nakasuot ng blouse at pants na light pink.
Mabagal ang lakad nito at inaalalayan ng mga assistant na kasama.
Sinalubong naman si CGMA ng mga kapwa niya mambabatas.
Dumating din sa breakfast si House Speaker Pantaleon Alvarez at iba pang mga kaalyado nito sa supermajority.
Samantala, all-systems go na ang kamara para sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Mula sa physical arrangements, hanggang sa seguridad sa loob at labas ng Batasan Complex ay wala nang inaasahang problema.
Inaasahan naman na dadalo si Arroyo sa Durterte SONA.
Matatandaan na ilang SONA ang hindi nadaluhan ni CGMA mula nang siya’y mahospital arrest dahil sa PCSO plunder case.
May opsyon si Arroyo na umupo sa upuan nito sa plenaryo, o sa gallery katabi ang mga kapwa niya dating Presidente.
WATCH: @gmarroyo, dumating na sa Kamara. @dzIQ990 pic.twitter.com/SGUibpW9m0
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) July 25, 2016
WATCH: Pampanga Rep. @gmarroyo, dumalo sa pagbubukas ng 17th Congress. @dzIQ990 pic.twitter.com/zFWaDIv8jr
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) July 25, 2016