Ayon sa PAGASA, isang Low Pressure Area ang binabantayan sa Pangasinan na huling namataan sa 195 kilometers west ng Dagupan City.
Sinabi ng PAGASA na posibleng lumakas ang LPA kapag papalabas na ito ng bansa.
Samantala, 80% hanggang 90% ang tsansa na umulan ngayong araw lalo na sa hapon o gabi.
Ayon sa PAGASA, sa Quezon City na magiging sentro ng mga aktibidad para sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, posibleng makaranas ng thunderstorms mamayang hapon.
Ang buong bansa ay makararanas ng maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang pulu-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.
MOST READ
LATEST STORIES