Ito ay dahil sa inaasahang pagisisikip sa daloy ng trapiko na mararanasan ngayong araw sa paligid ng Batasan complex dahil sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa abiso ng Korte Suprema, tanging ang pasok lamang sa Sandiganbayan ang suspendido habang bukas naman ang mga korte sa Quezon City at iba pang panig ng bansa.
Una nang nag-anunsyo ng suspensyon ng klase ang pamahalaang lungsod ng Quezon sa lahat ng paaralan ngayong araw.
Gayunman, may pasok naman ang mga empleyado ng gobyerno at mga pribadong kumpanya.
MOST READ
LATEST STORIES