Babae pinagbabaril sa Parañaque City

 

 

Agad na binawian ng buhay ang isang di pa nakilalang babae matapos na pagbabarilin ng suspek na nakilala lamang sa alyas na “Bilo.”

Nangyari ang krimen sa taas ng overpass, malapit sa La Huerta Elementary School sa Brgy. La Huerta, Parañaque city.

Sa imbestigasyon ni PO3 Dullawan ng Paranaque City police, panatag na naglalakad sa naturang lugar ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek na si ‘Bilo’ at walang sabisabi binaril ang biktina ng hindi pa mabatid na dahilan.

Kaagad naman tumakas ang suspek nang makitang nakahandusay at wala nang buhay ang biktima.

Read more...