Hindi iba-ban ng International Olympic Committee (IOC) ang buong delegasyon ng Russia sa Rio 2016 Olympic Games.
Sa halip, ipapaubaya na lamang ng komite sa bawat international federation ang desisyon kung kinakailangang patawan ng suspensyon ang mga atleta dahil sa pagkakasangkot sa paggamit ng illegal substance sa mga nakaraang mga palaro.
Matatandaang una nang nanawagan ang World Anti-Doping Agency (WADA) sa IOC na pagbawalan ang buong Olympic delegation ng Russia na makilahok sa Rio Games matapos madiskubre ang malawakang paggamit ng droga ng mga atleta sa nakaraang Olympic games.
Partikular umanong nagkaroon ng malawakang pagggamit ng droga ng mga Russian athletes noong nakaraang Sochi Winter Olympics noong 2014.
Gayunman, iginigiit ng mga Russian Officials na pakana lamang ng isang ‘Western conspiracy’ ang hakbang na pigilan silang makilahok sa 2016 Rio Games.